Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dizon pinalusot iligal sa Clark

0 244

Tinawag ni Vice President Leni Robredo na isang malaking kalokohan at iligal ang pagsusulong ng revolutionary government para baguhin ang Konstitusyon lalo ngayong panahon ng COVID-19 pandemic

“Una, ano ba iyong gustong sabihin ng call for revolutionary government? Ang gustong sabihin, ang hinihingi dito, itapon iyong Konstitusyon natin? Diyan pa lang, iligal na iyan,” sabi ni Robredo sa kanyang radio program na “BISErbisyong Leni” nitong Linggo.

Kinuwestyon din nito kung paanong nakalusot ang pagtitipon ng mga nagsusulong ng revolutionary government na ginanap sa Clark, Pampanga kung saan ay si National Task Force Against COVID-19 Deputy Chief Implementer Vivencio `Vince’ Dizon ang dapat magbantay bilang pinuno ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA).

“‘Di ba, parang… iyong Clark — si Secretary Dizon yata iyong head ng Clark Development Authority. Bakit hinahayaan iyong mga ganitong exercise na mangyari, na mangyari at a time like this?” ayon kay Robredo.

“Puwede ba? Sa panahon na lahat ng Pilipino dapat nagtutulung-tulong ang dami nating kababayang nagkakasakit, namamatay. Ang daming frontliners nakataya ang buhay, tapos ang pag-uusapan natin ganito, parang hindi makatarungan,” giit pa nito.

SENADO KONTRA REVO

SM food to go Banner Ad

Ibinasura rin ng mga senador ang revolutionary government dahil mag-uugat lang ito ng pagkakawatak-watak sa panahon ng pandemya.

“The Rule of Law is our safest guide to a better Philippines. Let us turn off this ‘revolution noise’ and we will be okay,” ayon kay Senate President Vicente `Tito’ Sotto III.

Para naman kay Senador Panfilo `Ping’Lacson, hindi dapat patulan ang nasabing panukala na nagmula sa mga supporter ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“Dapat huwag patulan, kasi ito siguro mga nasarapan sa buhay nila dahil `di naman sila Presidente kundi tagasuporta. They never had it so good. Gusto nila siguro mag-revolutionary government para wala nang election,” ani Lacson.

“Mga sulsol na wala sa lugar. Ang tawag ng mga karpintero riyan, wala sa hulog,” wika pa nito.

Ayon naman kay Senador Sherwin Gatchalian, hindi aniya makakatulong ang panukalang na ito sa gitna ng health crisis na kinakaharap ng bansa.(Raymark Patriarca/Tina Mendoza/Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.