Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dizon tinabla mass testing

0 262

Hindi sumang-ayon si testing czar Vince Dizon sa mga muling panawagan na magsagawa ng mass testing sa bansa.

Sa Palace briefing, sinabi ni Dizon na dapat sundin ng gobyerno ang mga medical journal at pahayag ng mga health expert na gumamit ng ‘risk-based at targeted testing strategy’ kesa sa pag-test sa buong 110 milyong Pilipino.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Ang mass testing po ay hindi nirerekomenda. Hindi puwedeng gamiting testing lang para masolusyunan ang COVID-19,” ani Dizon.

Paliwanag ni Dizon, ang ibig sabihin ng risk-based at targeted testing ay pag-test sa mga indibiduwal na rekomendado ng doktor, mayroong sintomas, close contact ng COVID-19 patient o mga indibiduwal na mula sa mga lugar na may mataas na kaso ng COVID-19.

Ipinayo rin aniya ng mga eksperto ang pananatili ng mga minimum health standard, paggamit ng face mask, regular na paghuhugas ng mga kamay at social distancing. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.