Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DJ Chacha dinurog ang pabor sa bitay

0 117

Hindi na kailangang sauluhin pa kung sino ang pinaparunggitan ni DJ Chacha.

Ang kuda niya: “Maka Diyos pero agree sa death penalty. Maka Diyos pero bulag sa social injustices. Hay.” Juice colored! Pag hindi niyo pa naman matukoy kung sino ito, mananalig na talaga akong sa junk food kayo lumaki, ang pinasuso sa inyo ay am at higit sa lahat, never kayong nagka-Nutri Bun experience. Hahahaha.

Ayan ha, dapat kilala niyo na siya? Siyempre wag na nating pangalan kasi naman alam naman nating best in epal lang ito at dagdag gatong lang sa inilalakong imbentong kwento na pilit na pilit nilang pinaninidigan.

Kaya palakpakan na may kasamang sigawan para kay DJ Chacha dahil sa kuda niyang pangmalakasan, durog na durog na naman ang nilalang na ito na sadyang may taglay na swerte, agimat at pangrahuyo sa kanyang publiko.

Hanggang kailan nga kaya natin matitiis ang ganitong mga pangyayari? Wala pang sensyales para ang katulad niya, at iba pang diyos-diyosan sa lupa na nakatakda ang paghuhukom at pagkalos sa kanila?

Maliban kay Czarina Marie Balba(tunay na pangalan ni Balba), sina Jennylyn Mercado, Jennylyn Mercado, Frankie Pangilinan, Andrea Brillantes, Cristine Reyes at marami pa ay may mga saloobing isinambulat na tungkol sa mga kaganapan, may nakikinig man lang ba? O dahil nga manhid na manhid na tayo sa kabalastugan at kawalanghiyaan, wala na tayong pakialam?

**

Markus ‘di nagsuot ng condom

May aral ba tayong matutuhan sa pagiging relatively young millennial parents nina Janella Salvador at Markus Paterson?

Meron! Matino ang values ng magsing-irog. Alam nilang ang baby ay isang blessing . Wala silang ginawang kahit na anong hindi dapat tungkol dito.

Ang abstinence at being chaste, remaining a virgin until you are married ay obviously things from the past sa magkasintahan.

Hindi masamang humindi sa lambing ng iyong iniirog na kayo ay magtalik. Mas lalong hindi nakakahiya na manatiling hindi pa nararanasang makipagtalik bago ikasal, sa babae man o lalaki. Pero hindi rin naman dapat pagtaasan ng kilay o pagdabugan ng bangs ang mga nilalang na walang takot makipag-sexual congress.

Turuan ang mga bata, lalo na pag sila ay nasa puberty age tungkol sa tamang paggamit ng mga bagay para maiwasan ang makabuntis o magka-sexually transmitted disease.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Fil-Briton si Paterson kaya tiyak maalam ito tungkol sa mga usaping condom. Kung bakit hindi siya nagsuot nito nu’ng sila ni Salvador, siya lamang ang makakasagot.

Hindi pwedeng itanggi na mahal nila Janella at Markus ang isa’t-isa at talagang matatapang sila to face the world of being young parents. Full support naman ang kanilang mga magulang sa kanilang naging desisyon and for sure, aliw na aliw sila at love na love nila ang kanilang unang apong si Jude.

Janella Salvador and Markus Paterson are parents now. Let us congratulate them in this new life adventure. Obviously they are emotionally mature and ready and financially secure to raise their bundle of joy.

At hindi naman ako nananlig na dahil nga sa pangyayaring ito, eh maraming mga kabataan ang mas magiging mapangahas at mapaglaro, at magiging walang takot na mabuntis o makabuntis.

Hindi naman ito sore eyes o sipon, na nakakahawa.

Kadalasan, kahit busog sa pangaral ng mga magulang ang kanilang mga anak, pag ang romansa ang naghari at reyna, alam na natin ang susunod na kabanata.

**

Sharon, nagmamaganda sa swimsuiit

Kung health reason ang dahilan kaya all out si Sharon Cuneta sa kanyang pagpayat quest, well and good.

Kung ang pagbalandra niya sa kanyang size 10 swimsuit is her tekking all of us na nagbubunga ang kanyang healthy and wellness choices kaya palong-palo ang kanyang katawan, waging-wagi.

Pero kung she is doing all these for vanity reasons, ang masasabi ko lang, at 55, na may asawa na who loves her to bits at mga anak who adores, parang hindi na niya dapat pang gawin ang ganitong mga bagay-bagay.

Lalo na nga’t hindi na naman siya fitting of the adjectives “nubile” or “fresh” .Hindi naman siya boldstar na nalosyang o kaya ay starlet na gagawin ang lahat magka-publicity at mapansin lamang kahit ilang oras o sandali lang.

Never naman kasing Jennifer Lopez o Beyonce Knowles ang imahe ni Cuneta.

Leave A Reply

Your email address will not be published.