Abante Tonite Interactive

DJ Chacha feeling Anne Curtis sa maternity shoot

880

Tibay at lakas ng loob ang naging puhunan ni DJ Chacha para panta­yan o gayahin ang pasabog na maternity shoot ng kanyang idolong si Anne Curtis.

Sa kanyang Instagram nag-post si DJ Chacha na mala-Anne Curtis kung saan maki­kita ang hubad niyang katawan at natatakpan lang ang kanyang boobs at ibabang katawan, kagaya ng maternity shoot ng noontime show host.

Biro ni DJ Chacha, feeling diyosa siya sa nasabing maternity shoot.

“Ay teka lang naman sestra @annecurtissmith, eto lang ang nakayanan ko sa ngayon!” caption ni DJ Chacha na nilagyan niya ng mga hashtag na #tibayatlakasngloob #feelingdi­yosa #pasokmgabashers #telatelalangtayosist #maternityshoot. (IS)