Abante Tonite Interactive

DJ Chacha ikakasal sa March

Babu Ted Failon

By
219
tonite-this-is-it-roldan-castro
Lalagay na sa tahimik si DJ Chacha ngayong Marso. Kilala siya sa MOR bilang nag-iisang Dyosa sa balat ng radio.
Matatandaan na nag-propose ang kanyang boyfriend na si Mike Guevara sa Bangkok last year.
Finally, matutuldukan na ang pagkaka-link niya kay Ted Failon? Balitang isa ito sa kinuha niyang ninong.
“Parang feeling talaga ng lahat may something. Sabi ko kapag single ako patusin ko. Para dumami pera ko. Hello,

 

‘di ba Chacha Failon. Kaya lang, sabi ko sa dyowa ko, kapag niloko mo ako, jojowain ko na lang si Ted Failon,” pahayag ni DJ Chacha nang makatsikahan siya para sa pelikula niyang ‘Pansamantagal’ kasama sina Gelli de Belen at Bayani Agbayani. Ito’y sa direksyon ni Joven Tan.

 

Showing sa March 27 ang “Pansamantagal”. Talakera na serbedora ang papel niya. Husgahan ang acting ni DJ Chacha kung pasado ang acting niya dahil first movie niya ito.

 

Harlene taga-That’s ang bagong   manliligaw?
How true na may lovelife ngayon si Harlene Bautista?

 

Balitang inaayos na rin niya ang annulment sa kasal nila ni Romnick Sarmenta.

 

May alingasngas na hindi malungkot ang Valentine’s Day ng actress-producer.

 

Hindi naman niya kinukumpirma kung dating taga-That’s Entertainment ang manliligaw niya ngayon.
Sa takdang panahon ay lalabas din daw.

 

Talbog!
Tamila mabenta sa barakong Pinoy

 

Marami ang nagpapatansya sa second  runner-up   sa Miss Global 2018  na si Tamila Sparrøw Khodjaeva ng Uzbekistan.

 

Hindi pahuhuli si Tamila sa mga beauty queen na  nagustuhan ng mga barakong Pinoy.

 

Ang tipo ni Miss Uzbekistan ang gusto nilang mapangasawa dahil sa magandang porma ng katawan, matindi ang sex appeal at maganda ang personalidad.