Abante Tonite Interactive

DJ-Kath walang sex

By
1,678

tonite-imo-vinia-vivarInamin ni Direk Cathy Garcia-Molina na mature na talaga ang roles nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa latest movie nilang The Hows of Us at kakaiba raw talaga sa mga dating ginawa na ng mga ito.

“Pinapangako lang ako na hindi ko pupuntahan ang hindi dapat. Hindi ko pinuntahan ang hindi kailangan. Halimbawa, sex,” sey ni direk Cathy kahapon sa presscon ng The Hows of Us.

“Kaya kong magkwento about a relationship without it. Saka madidiri naman ako sa sarili kong panoorin itong dalawang ito at idirek sa ganun’g klaseng eksena.

Abante Hiring – IT dep

“So, I was able to. . .ako, I am proud to say that we were able to make a movie about a relationship without it.”

Ayon naman kay Kathryn, malaking-malaki raw talaga ang kaibahan ng The Hows of Us kaysa sa mga dati nilang pelikula.

“Kasi sobrang nahirapan­ po ako talaga. Sobra-sobrang nahirapan. From Barcelona na medyo heavy, nag-rom-com sa Can’t Help Falling In Love, so eto masasabi ko na medyo halo siya ng andyan ‘yung rom-com na-miss nila and nandito rin ‘yung bigat,” sey ni Kat.

Ang laki raw talaga ng maturity na hiningi sa kanila sa pelikulang ito bilang Primo (Daniel) and George (Kathryn) at ani Kat ay malayong-malayo raw ang karakter niya sa kanya in real life.

Sinang-ayunan naman ito ni Daniel dahil ang kuwento raw ng The Hows of Us ay tungkol sa isang mahabang relasyon at ang pinagdadaanan nito.

Padilla-Bernardo, inaming isinalba ang relasyon

 

Dahil nga kasama sa mapapanood sa ‘The Hows of Us’ ay kung paano i-save ang isang relationship, natanong din ang dalawa kung nagkaroon na ba ng pagkakataon sa kanilang relasyon in real life na kinailangan nila itong i-save.

“Yes,” sagot ni Kathryn. “May nangyari talaga. Kasi sa isa namang relationship, hindi ‘yan smooth parati. Mayroon talagang mga taon or mga panahon na medyo maano.

“Pero how did we save it? Kasi gusto namin. And for me, choice n’yo ‘yun parating dalawa kung ano, tutuloy pa ba? Or ilalaban pa ba? Ganyan, and ‘yan ang pinili namin and I think I made the right choice.

“And for me naman kasi, sa isang relationship, kahit gaano natin siya kagustong maging perfect, hindi siya mangyayari. Basta ang importante rito, may natutunan ka, sabay kayong maggo-grow and move on. And ‘yun ang pinili namin.”

Agree rin naman si DJ sa sinabi ni Kathryn. Mara­ming beses na rin daw na tinanong niya ang sarili kung kaya pa ba niya.

“Hindi naman ako love guru,” sey ng young actor,­ “pero ako, lagi akong bu­mabalik. Bakit nga ba? Sa simula ng lahat ng ito, bakit ko nga ba minahal ang taong ito?

“Mag-aaway kayo nga­yon, pero siyempre, kaila­ngan mong tingnan ‘yung mas malalim na ano sa problemang ito. Kasi maa­ring nagkakaproblema lang tayo ngayon pero saan ba tayo nanggaling at saan ba tayo ngayon? So, laging ganu’n lang.”

Aminado silang marami nang dramahang nangyari sa kanilang dalawa, confrontation scenes, etcetera. And in fact, ‘yung mga napanood daw natin sa trailer ng movie ay close to reality.

“Nanggaling ‘yun sa mga ibang eksena namin sa buhay ni Kathryn. May ganu’n,” pagre-reveal ni Daniel.

Showing na ang The Hows of Us nationwide mula sa Star Cinema at kasama rin sa pelikula sina Ria Atayde, Alywyn Uytingco at Darren Espanto.