Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DJ loonyo supalpal sa ex-dyowa

0 1,390

Mahaba ang litanya sa Facebook ni Aika Flores, ina ng anak ni DJ Loonyo. Nagreklamo siya sa salaysay nito sa ‘Magpakailanman.’

Bahagi ng post niya…

“to RHEMUEL LUNIO aka DJ LOONYO,

“Ako po yung nanay nung anak ni rhemuel na sinalaysay niya sa isang show ng GMA. di ko na mapigilan di magsalita kasi SOBRA NA. sobrang pagmamalinis at kasinungalingan na ng taong to. di ko naman na kailangan talaga pabanguhin pangalan ko as his ex girlfriend pero as the mother of his child sobra na.

“Sino ba naman di magseselos kapag nahuhuli mo katext pa niya ex niya (yung SPONSOR niya daw, ilang beses), hahanapin mo palagi sa umaga magugulat ka nasa cr palaging dala ang laptop wala ka naman naririnig na sounds. babae ako, di ako robot na walang pakiramdam para di magselos at panahon na yun di ko alam na buntis ako. BINUNTIS MO AKO AT ALAM MO YUN.
“Sinabe ko sayong buntis ako sabi mo “ALAM KO” tinanong kita kung pananagutan mo ba yung bata dahil ako itutuloy ko. ang sabi mo “OO MAHAL KITA, MAHAL KO YUNG BATA”.

“6 mos na tiyan ko gusto mo parin pagsasayaw. SINUPORTAHAN KITA. ginamit mo pa kami ng anak kong rason para makapasok ka sa pangarap mong grupo “rockstars” sabi mo pa “manganganak na kasi asawa ko need ko na magwork gusto kong work yung passion ko rin” ININTINDI KITA NON SINUPORTAHAN KITA. ako nag aayos ng mga damit/gamit mo sa bag pang training mo araw araw, nanghihiram tayo sa mama ko minsan pamasahe mo pang training mo kapag short ka ule kasi kung may sayaw man kayo at yung talent fee niyo palaging kapos pang training mo palang araw araw short kana. wala nga tayong maipon ipon sa sinasabe mong “para sa panganganak ko” pero go sinuportahan kita.

“isang gabe (almost 9 mos of my pregnancy).matutulog na tayo nagffb ako. nagpost pinsan mo naka tagged dalawa mong ex pati ako, ako kidding aside nag comment na “sana tinag mo na rin si rems ” biglang kang nagalit sakin sinabihan mo kong pathetic, insecure at kung ano ano pa sabi ko sayo kung di mo nagustuhan sabihin mo sakin ng maayos pwede ko burahin kasi sakin biro lang naman since buntis ako non sensitive ako sa mga pinagsasabi mo pero galit na galit kana agad sakin. naginarte ako pinaalis kita ng bahay dinala ko maleta mo pababa ng hagdan at wala pang isang oras tinatawagan na kita pinapabalik kita dahil alam ko naman wala ka mastayan. tawag ako ng tawag sayo di mo sinasagot sabi mo ayaw mo na. (sakin non sa isip ko ang babaw, sana inintindi mo rin na sensitive ako that time) hanggang kinabukasan pinipilit kita umuwe sorry ako ng sorry pero biglang sabi mo lang “sorry di tayo para sa isat isa” nagmakaawa ako sabi ko kahit di na tayo magbalikan hintayin mo lang manganak ako dahil bawal sakin mastress kahit para sa bata nalang pero ayaw mo na talaga hanggang don nalang tayo nagusap dedma kana sa calls and texts ko. (KABALIKTARAN SA KWENTO MO DIBA?) pamilya ko lang may alam ng sakit na naramdaman ko non. tapos after a month nalaman ko may gf kana pala (isa don sa kachat mo na nabasa ko nung nasa cdo ka at manila ako). napapanuod pa kita sa tv sumasayaw ang saya saya buhay binata na parang walang responsibilidad na tinalikuran. umuwe ng cdo saktong due date ko (ayaw mo pahabol?)

“year 2014 isang taon na baby natin FIRST TIME mong mag reach out sakin. nagtext ka gusto mo dalhin ko anak ko sa mall show niyo gusto mo makita. WOW!! anak ko ang gusto mo pumunta sayo? sa mall show niyo pa? bakit? papasikat ka para kunwari nagpapakatatay kana? tumanggi ako OO, dahil sinabe ko sayo kung gusto mo makita anak mo IKAW ANG PUMUNTA SAKANYA HINDI YUNG ANAK KO ANG PUPUNTA SAYO. ano ginawa mo? after ng convo natin na yun? diba wala na?? isang attempt isang rejection tapos wala na! nasan ang SINCERITY mong makita anak mo?? dahil kahit ayaw ko non alam mo kung san mo siya pupuntahan!

TALIWAS NA NAMAN SA KWENTO MO DIBA?? SA KWENTO MO MAY PATABOY TABOY PA KONG GINAWA DAHIL PINUNTAHAN MO ANAK MO? KELAN NANGYARE YON???
“year 2017 SECOND TRY mo mag reach out para makita anak mo, hinihingi mo num ko sa friend ko at panahon non binigay ko number ko dahil WILLING NAMAN TALAGA AKO ang problema ikaw! puro ka pa FAME! kung gusto mo talaga makita anak mo non edi sana nakita mo na dahil di ko siya nilalayo sayo IKAW ANG LUMAYO SAKANYA!

Related Posts

“2017 nawala ang anak ko madaling araw tinawagan agad kita tulog kapa non sabi mo bihis ka lang punta kana ospital. NASOBRAHAN KA ATA SA BIHIS KASI NAG BOOTS KAPA E AKALA MO ATA SASAYAW KA?? hello!! nawala anak mo non di yun raket na kailangan mo pumorma! nagawa mo pa kasi pumorma non anong sense? emergency matter nakapag boots kapa??

“first and last time mo nakita anak mo at sa ganong sitwasyon pa. sana masakit nga sayo ng totoo. kasi sakin SOBRANG SAKIT. ikaw pinagbihis ko sakanya sa burol niya sabi ko first and last time mo siyang bibihisan kaya ikaw bahala. OO ikaw sumagot ng gastos sa chapel sa mga bayarin tapos naghati tayo sa bayad sa lupa para sa libingan niya. bat ko sinasabe pa to? kasi LAKAS MO PO! pinagmamalaki mo sa cdo na ikaw nga gumastos lahat! hanggang huli HAMBOG ka! at kung ikaw nga lahat? ano naman?? utang na loob parin ba ng anak ko sayo yun???

“Tapos ng libing? DINALAW MO BA ULE?? kelan pa yun 2017 pa 2020 na NADALAW MO BA??? mas gusto mo pa nga makita agad yung babae mo after quarantine kesa dalawin anak mo?? AFTER NG LIBING NIYA NI ISANG BESES DI MO NA SIYA DINALAW! KAYA WAG KANG PA VICTIM!
“ISANG BUWAN PALANG AKONG NANGANAK NON PINILIT KO RUMAKET SUMAYAW AKO KAHIT PWEDENG IKAPAHAMAK KO WALA E MAY ANAK AKONG BUBUHAYIN! HABANG IKAW SAYAW SAYAW LANG SA TV BUHAY BINATA?? WALANG SUSTENTO!

“NANANAHIMIK NA ANAK KO. NANAHIMIK AKO NANG ILANG BESES. KAILAN BA MATATAPOS YANG PAGPAPASIKAT MO?? BIGYAN MO NAMAN NG KATAHIMIKAN ANAK KO DAHIL DI MO NA NGA SIYA BINIGYAN NG TATAY! TIGIL NA RHEMS! KUNG GUSTO MO MAGPASIKAT WAG KANA GUMAWA NG PANSARILING STORYA O KWENTO MO PARA BUMANGO KA! MABAIT KANG KAIBIGAN AT ANAK PERO SANA NAGING MABAIT KARING TATAY KAHIT DI NA AS PARTNER.

“NAWALA ANG ANAK KO NG DI KA NAKILALA. WALANG GUILT SA PUSO KO DAHIL ALAM NATING DALAWA NA IKAW ANG PUMILI NON. KAYA SANA KAHIT KONTI LANG PAKITA MO NAMAN NA MAHAL MO SIYA. WAG MO NA ICLAIM NA MINAHAL MO SIYA DAHIL AKO NASASAKTAN PARA SA ANAK KO.

buntis na po ako niyan kasama “rockstars”. support parin sa pagsasayaw niya. TALIWAS NA NAMAN SA KWENTO NIYA.

(di ako nakikipagpagandahan dahil wala po ako non kaya wag niyo na ko ibash. karapatan ko lang sabihin yung totoo.)”

Bukas ang Tonite sa side ni DJ Loonyo para maliwanagan ang lahat.

 

Leave A Reply

Your email address will not be published.