Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DJ pakialamero sa buhok ni Kathryn

0 458

NI: ARCHIE LIAO

Dalawa sa naging artista niya sa Pinoy highest grossing film of all time na Hello, Love, Goodbye ang naging mga panauhin ng box-office director na si Cathy Garcia Molina sa kanyang online show sa Kumu:sina Kathryn Bernardo at Kakai Bautista.

Nagbigay ng update si Kathryn sa kanyang upcoming projects at naibalita niya sa confidante-director na may serye silang gagawin ni Daniel Padilla.

Ibinalita rin niya na may soon-to-be released silang vlog ni DJ kung saan ang boyfie niya ang director.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sey ni Kath, sobra raw mausi o metikoloso si Daniel sa pagdidirek dahil pinapakialaman daw nito maging ang malilit na detalye ng produksyon tulad ng ayos ng kanyang buhok.

Hirit naman ni Direk Cathy, dapat lang daw may matutunan ito sa kanya dahil kung hindi ay kakastiguhin niya ito.

Sa naturang show, nahingan din si Kath ng tips sa mga gustong magtagumpay sa mundo ng showbiz.

Aniya, dapat i-enjoy na lang daw iyong journey sa mga karanasan hindi lang sa mga katrabaho kundi sa mga fan at laging piliing maging mabuting tao.

Leave A Reply

Your email address will not be published.