Abante Tonite Interactive

DJ tinawag na insecure, narcissist, immature ng Aldenatics

692

Katakot-takot ang naging reaksyon ng mga fan ni Alden Richards nang i-reveal ni Daniel Padilla sa “Tonight With Boy Abunda” kamakailan na originally ay sa kanilang dalawa pala ni Kathryn Bernardo ang “Hello, Love, Goodbye”.

Siyempre, it came as a shock sa mga fan at mabuti na nga lang na ni-reveal ito ni Daniel nang matagal nang tapos ang movie at umani na ng katakot-takot na tagumpay.

Hindi nagustuhan ng mga fan ng Pambansang Bae ang sinabi ni Daniel at anila, bakit pa raw kailangang i-reveal iyon ng aktor.

“Mahirap ba sabihing ‘let’s respect the success of the movie & its cast. We can always make a new movie and work hard and hope for it to be as successful.’ Hirap???!!!!” komento ng isang fan na inayunan ng marami.

Pinagkumpara rin nila sina Alden at Daniel dahil kung ang una raw ‘yun, hinding-hindi nito ibubunyag ang impormasyon na ‘yun.

“Alden is a gentleman. He will not discredit others just to save himself. He is better than that. Mature talaga,” komento ng isang fan.

Ang iba naman ay tinawag na narcissist, insecure at immature si Daniel para i-divulge pa ‘yun.

May nagtanggol naman kay Daniel at sinabing tinanong lang naman daw ang aktor kaya hindi ito nagsinungaling.

Pero ayon naman sa ibang fans ng aktor, wala naman daw kaso kung 1st, 2nd or 3rd choice pa si Alden.

“What´s the big deal about being the 1st, 2nd, or even the 3rd choice? What matters is who was the final choice and how he portrayed the role. #AldenRichards is Ethan in HLG, the top-earning local movie of all time. No one else can lay claim to that,” komento ng isang fan.

Ruru may kissmark kay Bianca

Kaarawan ni Ruru Madrid last Dec. 4 at sa kanyang Instagram account ay nag-post siya ng pasasalamat sa lahat ng magagandang bagay na nangyari sa kanya sa taong 2019.

Pinasalamatan niya ang Panginoon, mga mahal sa buhay, ang management at ang lahat ng kanyang supporters.

“Ako’y lubusang nagpapasalamat sa ama at isang buong taon na naman ang ibinigay nya sa akin, isang buong taon nya akong iningatan. Ako’y nagpapasalamat din sa lahat ng mga biyaya’t pagpapala na patuloy nyang ibinibigay sa akin. Salamat din sa mga taong tumutulong sa akin para makamit ko ang mga pangarap ko, mula sa mga mahal ko sa buhay, sa management ko at higit sa lahat sa mga taong sumusuporta sa akin. Kayo ang nagbibigay inspirasyon sa akin sa araw-araw,” ang bungad ni Ruru.

Pero kung may mga biyayang dumating, marami rin daw pagsubok siyang naranasan this year at para sa kanya ito na raw ang pinakamahirap na taon sa buhay niya in terms of trials at muntik na raw siyang sumuko.

“Napakarami rin bagay at mga pagsubok sa akin ang dumaan sa loob ng isang taon. Masasabi ko na iyon ang pinaka mahirap na taon sa buhay ko. Maraming beses na ako muntik sumuko pero kinaya ko dahil sa tulong ng Diyos at sa tulong ng mga taong nagmamahal sa akin,” aniya.

Patuloy pa niya, “napakarami ko rin natutunan sa taon na nakalipas. At masasabi ko na kahit na anong problema ang dumating sa akin malalampasan ko ito.”

Sa huli, ipinahayag ni Ruru na nakahanda siya sa anumang darating pa sa kanyang buhay.

“Ngayon ako’y 22 anyos na, ako’y nakahanda sa lahat ng mga bagay na darating sa buhay ko, at walang makakapigil sa akin para makamit ko lahat ng pinapangarap ko.

“Salamat ng marami sa inyong lahat, mahal na mahal ko kayo,” pagtatapos ni Ruru.

Sa comments section ay napakaraming bumating kapwa celebrities sa kanya pero ang mas nakatawag ng pansin sa fans and netizens ay ang komento ng rumored girlfriend na si Bianca Umali at ang reply ni Ruru.

Komento ni Bianca, “I, You” and sealed with a kiss (kiss mark emoji).

Reply naman ni Ruru, “@bianxa you I” at nilagyan ng monkey emoji na nakatakip ang mukha.

Tila sina Ruru at Bianca lang ang nagkakaintindihan ng kanilang mga sagutan pero sapat na ito para kiligin ang kanilang mga fan na ang feeling siguro ay nagsabihan ng “I love you” ang dalawa.

Medyo matagal-tagal na rin namang nali-link ang dalawa at hanggang ngayon ay wala pang kumpirmasyon na nanggagaling sa kanila kung sila ba talaga.