Abante Tonite Interactive

DJ tinumbok si Moira

510

Nagbabalik si Daniel Padilla bilang interpreter sa Himig Handog 2019 songwriting competition ng ABS-CBN Star Music.

Unang sumali si Daniel sa Himig Handog P-Pop Love Songs 2013 na naghakot ng special awards ang naging hit song niya na “Nasa Iyo Na ang Lahat”.

Sunod siyang sumali nu’ng 2014 na ang kanta niyang “Simpleng Tulad Mo” ay nanalo ng Listeners’ Choice at Mobile Choice awards.

Kuwento ng Star Music Head na Roxy Liquigan, dumalaw lang minsan si Daniel sa office niya at nabanggit niya rito na merong song sa Himig Handog 2019 na bagay dito.

Pinakinggan ‘yon ni DJ at nagandahan ito sa song na “Mabagal” na sinulat ni Dan Martel Simon Tañedo.

Sey ng isa pang boss ng Star Music na si Jonathan Manalo, nagpaalam na dati sa kanila si DJ na ayaw na nitong sumali sa Himig Handog. Pero nang marinig nito ang nasabing kanta ay sinabi nitong gusto nitong gawin ‘yon.

Ang request lang ni DJ ay makasama niya si Moira. So, tinawagan nina Roxy si Moira at dahil magkasundo ito at si Daniel ay pumayag agad si Moira na mag-collab sila.

Among the Top 12 finalists this year ay kakaiba ang tunog nu’ng kina D­aniel at Moira, na tumo-throwback feels at bagay na bagay sa old soul na kagaya ni DJ.

Bukod sa may laban ang “Mabagal” sa Best Song ay malamang maghakot din ito ng special awards sa Grand Finals na gaganapin nang live sa “ASAP Natin ‘To” sa October 13.

Janella ninamnam ang ‘sakit’ sa pagkanta

Isa pang nagbabalik bilang song interpreter sa Himig Handog 2019 ay si Janella Salvador.

Bale 4th time na ito ni Janella na unang sumali sa Himig Handog P-Pop Love Songs 2014 na ang kanta niyang “Mahal Kita Pero” ay nanalong 3rd Best Song.

Sumali ulit siya nu’ng 2016 with “Mananatili” na duet nila ni Marlo Mortel. Nu’ng 2017 ay nagwaging 4th Best Song ang in-interpret ni Janella na “Wow na Feelings.”

Sabi ni Jonathan Manalo ng Star Music, something new for Janella ang hugot song na “Nu’ng Tayo Pa” na sinulat nina Rex Torremoro at Elmar Jann Bolaño.

Panay bubbly, upbeat songs daw kasi ‘yung mga nauna ni Janella, first time ito na nag-tackle siya ng masakit na kanta.

In fairness ay iba ang boses ni Janella sa “Nu’ng Tayo Pa” at bongga ang hugot at hagod niya sa nasabing kanta na para bang meron siyang pinagdadaanan.

Sey ng 21-anyos na dalaga, masaya naman siya nu’ng ni-record niya ito.
Sinabi niya lang daw sa sarili niyang kailangan niyang maramdaman ‘yung pain habang kinakanta niya ito, so ninamnam niya ito habang nire-record niya ‘yung song.

Aminado si Janella na pabebe ang boses niya dati. Iba raw talaga itong “Nu’ng Tayo Pa” from her songs before dahil breakup song ito na heartfelt power ballad.

In fairness ay mukhang happy naman talaga ngayon si Janella sa rumored boyfie niyang si Markus Paterson.

Sa interview sa Fil-Brit actor ay ‘what you see is what you get’ daw ang sa kanila ni Janella at inamin nitong special daw ang dalaga.

Hinatak na agad si Janella after ng open forum sa media launch ng Himig Handog 2019, hindi tuloy namin siya nausisa tungkol sa relasyon nila ni Markus.

Toni alalay ni Alex

Si Alex Gonzaga ay kasali rin this year sa Himig Handog bilang interpreter ng upbeat song na “Please Lang” na sinulat ni Michael Angelo ‘Aikee’ Aplacador.

Matagal na palang gustong sumali ni Alex sa nasabing kompetisyon dahil ito raw ang makaka-legitimize sa kanyang singing career.
Finally ay nakahanap ang Star Music ng materyal na bagay sa kanya at ni-record ito agad ni Alex.

May part doon sa track ng “Please Lang” na very distinct, so pinakiusapan ng Star Music si Toni Gonzaga kung puwede itong mag-backup kay Alex at siyempre ay pumayag naman si Toni.

Bukod sa “Mabagal” (interpreters: Daniel Padilla & Moira), “Nu’ng Tayo Pa” (interpreter: Janella Salvador) at “Please Lang (interpreter: Alex Gonzaga featuring Toni Gonzaga), heto pa ang ibang songs na pasok sa Top 12 this year:

“Alaala” ni Alekzandra Nicolle Quitalig (siya rin ang interpreter); “Ikaw at Linggo” ni Eamarie Gilayo (siya rin ang interpreter); “Paano Ba?” ni Richanne Charms Jacinto (interpreter: Vanya Castor); “Isa Pang Ikaw” ni Joseph Ponce (interpreter: Justin Vasquez); “Panandalian” nina Jerome Arcangel at Cee Jay Del Rosario (interpre-ter: TJ Monterde);

“Sasabihin Ko” nina Joan Da at LJ Manzano (interpreter: Joan Da); “Simula ng Dulo” nina Davey Langit at Therese Marie Villarante (interpreter: Davey Langit); “Ingat” ni Ferdinand Aragon (interpreter: I Belong To The Zoo); at “Sa ‘Yong Mundo” ni Noah Zuñiga (interpreter: Janine Berdin).

Mapapakinggan ang Top 12 songs ng Himig Handog 2019 sa lahat ng digital stores at sa YouTube channel ng Star Music.

(Allan Diones)