Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Djokovic umusad sa round 4

0 57

Usad sa fourth round ng US Open si Novak Djokovic, bumalik para kalusin si Kei Nishikori 6-7 (4), 6-3, 6-3, 6-2 nitong Sabado.

Lumapit si Djokovic sa misyon na kumpletuhin ang unang calendar-year Grand Slam sa men’s play sa nakalipas na higit 50 years.

Ganado sa laro ang Serbian, binobomba ang dibdib, humihiyaw o nagtataas ng kamao bawat puntos, at nilalagay ang palad sa tainga – inuudyukan ang crowd sa Flushing Meadows para mag-ingay.

“In the heat of the battle, when you feel like the moment is very important … you just want to get those things out of yourself, out of your system,” ani Djoko. “Try to, I guess, ride on that energy wave that you create, whether with yourself, whether it’s with the crowd.” (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.