Abante Tonite Interactive

DLSU, UE, ADMU binash sa cheerdance costume

363

Bukod sa paghanga ng fans sa UAAP season 82 cheerdance competition Linggo ng gabi sa MOA Arena, kanya-kanya rin silang bigay ng saloobin sa mga costume ng mga cheerdancer.

Ginawang katatawanan ng mga netizen ang kasuotan ng mga nakilahok gaya na ng unang sumayaw na De La Salle Pep squad na tila hinalimbawa ito sa ‘Wiggles’ na isang marshmallow food.

‘Rainbow colored gummy worm’ naman mula sa makulay na suot ng University of the East habang ‘Choco-Mucho’ sa UP.

‘Di rin nakaligtas ang Adamson sa mga banat ng netizen nang bansagangg ‘Frutas’ dahil sa nagmukang bilao ng prutas ang nakalagay sa kanilang ulo.
Mas pinagpiyestahan ng mga netizen ang costume ng Ateneo De Manila University nang laitin na parang sina ‘B’1’ at ‘B2’ mula sa palabas na ‘Bananas and Pajamas’.

Top three winners ang National University Pep Squad, Far Eastern­ University Cheering Squad at Adamson University Pep Squad. ­(Aivan Episcope)