Abante Tonite Interactive

DLSU unbreakable sa 10 games

111

Umeksena si Aljun Melecio para ihatid ang De La Salle U Green A­rchers sa 10th win laban sa National University Bulldogs, 113-88, kahapon sa LXXIX Season ng UAAP seniors men’s basketball tournament sa The Arena sa San Juan.

Nagpakitang gilas si Melecio, tumipa ng 18 puntos para idiin na hindi lang sina big man Ben Mbala at star player ­Jeron Teng ang puwedeng­ asahan ng La Salle sa opensa.

Naghabol ng 10 ang Archers sa kaagahan ng laro, pero mabilis naagaw ang manibela­ sa likod ng 13 points ni Melecio sa first two quarters.

Nahawakan ng Taft-based ang 56-49 bentahe­ sa halftime sapat para­ ipinta ang malinis na 10 panalo at lumapit sa 14-game sweep.

Namuno si Mbala sa kinanang 29 points at 14 rebounds para sa Green Archers, nag-ambag sina Teng at Thomas Torres ng 13 at 12 markers.

Tumapos si Rev Diputado ng 23 points, may 17 si J-Jay Alejandro para sa Bulldogs na nalasap ang pang-anim na ­talo sa 10 laro.

Sa first game, nanaig ang Ateneo sa University of the East, 75-61, at pinatibay ng Blue Eagles ang kapit sa No. 3.

May 5-4 karta ang Blue Eagles, sadsad sa 2-7 ang Red Warriors.