Abante Tonite Interactive

DMCI binarat mga Davao condo owner

340

Wala nang paki ang ilang residente ng mga condo ng DMCI na pag-aari ng pamilya Consunji sa Davao City na nasira ng sunod-sunod na lindol na tumama sa lungsod basta’t makataru­ngan ang maibibigay nitong refund sa kanila.

Ayon sa residenteng si Bernadette Bbc ang pa­ngalan sa Facebook, tinapalan lang ng DMCI ang mga crack sa gusali ng Magallanes Residen­ces at sinabihan silang ligtas na itong tirhan muli. May gana pang hiritan sila ng DMCI na ‘bonus’ ‘yung upgrade.

“Feeling yata ni DMCI Holdings parang Lego blocks lang, pwede tanggal, kabit ang tinayo nilang bldgs. Yung mga cracks, epoxy lang. Yung mga naghiwalay na structures, itulak lang ba? Talking of beams and co­lumns here,” sabi ni Bernadette Bbc.

Alok pa niya, sasamahan pa niya ang sinumang gustong makita ang problema sa mga buildings. “There is so much more to see. Pramis!,” sabi niya.

Ang nais sana ng mga reidente ay i-refund o bayaran sila alinsunod sa market value pero dine­dedma sila ng DMCI kaya’t tahimik lang silang nakikipagnegosasyon pero walang nangyayari

Aniya ang gusto lang ibayad sa kanila ay ang halaga ng binayad nila noong binili nila ang property 8 to 10 years ago samantalang nag-appreciate na ang halaga dapat dahil nasa sentro sila ng siyudad.

“We wanted to negotiate quietly to protect their name but nagmamatigas. Hence, we’re now making noise,” sabi ni Bernadette.

“Scary naman yan fren. Di ako titira pag ganyan ang crack,” sabi ni Desdimna Moniec Maruya.

Dagdag pa ni R-Lyn Salise, ganoon din ang ginawa ng DMCI sa Palmetto na isa pang ­building nitong kinondena ng city government. Tagpi- tagpi lang din.
Hiningi ng Tonite ang panig ng DMCI tungkol dito ngunit hindi ito nagbigay ng pahayag.

Maguginita na ilang beses na tinamaan ng malakas na lindol ang Davao City kung saan marami sa mga condo ng mga Consunji ang nasira kabilang ang Ecoland 4000, Magallanes Residences, Palmetto Place at Verdon Parc. (Eileen Mencias)