Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DMCI-Consunji coal plant inawat

0 78

Naghain ng petisyon sa Regional Trial Court ng Palawan ang mga mamamayan sa lugar at mga civil society groups para ihinto ang pinaplanong 15-megawatt coal-fired power plant ng DMCI ng mga Consunji sa bayan ng Narra, Palawan dahil na rin sa kakulangan nito ng papeles.

Naghain ng petition para sa Environmental Protection Order at Writ of Continuing Mandamus ang mga tao at mga grupo para isyuhan ng Temporary Restraining Order ang proyekto ng mga Consunji.

Sabi ni Atty. Grizelda Mayo-Anda ng Environmental Legal Assistance Center, dismayadong dismayado sila nang lumabas ang balita na binigyan ng Environmental Compliance Certificate ang proyekto at dineklara pang Energy Project of Natinal Siginficance samantalang matagal nang tinututulan ng mga taga Palawan ang coal project.

SM food to go Banner Ad

“The battle of Palawenos against coal has already been a long one and we can neither afford nor intend to lose it. Letting coal in would cost the welfare of our people and of Palawan’s rich biodiversity,” sabi ni Mayo-Anda.

Ayon sa grupo, walang maipakitang patunay ang DMCI Power Corp. na hindi mapipinsala ang kalikasan sa proyekto nito at wala rin itong pinakitang pamamaraan para maibsan ang masamang epekto ng coal plant sa lugar.

Kasama sa pinepetisyon ang Department of Environment and Natural Resources Environmental Management Bureau Region 4B, ang Palawan Council for Sustainable Development, at ang tanggapan ng alkalde ng bayan ng Narra dahil sa mga desisyon nilang lumalabag sa mga environmental laws at karapatan ng tao sa kapaligirang hindi nakapipinsala. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.