Abante Tonite Interactive

DMCI-Consunji condo pinabakante sa bitak

212

Inutos ng Davao Office of the City Building Official (OCBO) sa mga re­sidente ng Toledo Building ng Magallanes Residences ng DMCI-Consunji na bakantehin ang gusali makaraang makitaan ng mga bitak sa biga at poste ng mga inspector.

Ayon kay Engr. Grace Catubig, chief building official, ang Toledo Building ang pinakahuli sa tatlong gusali na inatasang bakantehin matapos ang malakas na lindol at mga aftershock noong nakaraang taon.

“Initially we tagged Toledo Buil­ding in yellow code, meaning there is a specific area that was cordoned and needs to be corrected. Upon follow up inspection last January 17, our inspectors found more dama­ges,” sabi pa nito.

Aniya, matapos ang follow-up inspection, binigyan ng ‘red tag’ ang Toledo Building na ang ibig sabihin ay kailangan nang bakantehin ng mga tenant sa lalong madaling panahon ang gusali.

Sinabi pa nito na ilang gusali ang nakitaan ng mga bitak at pagkasira ilang buwan matapos ang malakas na lindol.

“We will still give them time to correct what needs to be corrected. It will now depend on the structural engineer of Toledo on how they will work on the damages before we can allow residents to go back in their units,” sabi ng opisyal.
Magugunita na Disyembre 15, 2019 nang yanigin ng magnitude 6.9 lindol ang Davao City kung saan gumuho ang Ecoland 4000 habang nasira naman ang ibang pag-aaring condo ng DMCI na Palmentto Place at Verdon Parc.

Nabatid na binigyan ng Office of the City Building ng limang araw ang mga nakatira sa Magallanes Residen­ces ng DMC Urban Property Developers Inc. para bakantehin ang kanilang mga condo unit.

Sa isang liham ni Office of the City Building officer-in-charge Engineer Cirinia Grace Catubig, inihayag nito na binigyan nila ng taning ang pamunuan ng condo hanggang nitong Miyerkoles para ilikas ang kanilang mga residente.