Abante Tonite Interactive

DMCI-Consunji nagtago sa mga condo victim

661

Hindi napigilang magalit ng mga may-ari ng unit ang nawasak na Verdon Parc condominium na pag-aari ng bil­yonaryong si Sid Consunji makaraang indyanin at hindi siputin sa nakatakda sanang pag-uusap kaugnay ng danyos sa mga nasirang condo sa Davao City.

Naunang nangako si Consunji na haharap sa mga DMCI customer noong Enero 18 ilang araw makaraang bakbakan ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa umano’y pagiging arogante sa pakikipag-usap sa mga naapektuhang unit owner sa gumuho at nasirang mga DMCI condo na kinabibilangan ng Ecoland 4000, Magallanes Residences, Palmetto Place at Verdon Parc sa Davao City makaraang tamaan ng lindol noong nakaraang taon,
Sa halip, si DMCI Holdings executive vice president Herbert Consunji ang humarap na ikinainis ng mga may-ari ng Verdon Parc condo.

Ipinakita ni James Patoc, tagapagsalita ng mga DMCI-Verdon Parc victim ang ipinadalang mensahe sa kanya ni Sid Consunji na nagpapaliwanag kung bakit hindi nakadalo sa January 18 meeting: “I apologize. Have to attend to our Calaca plant after Taal eruption. He (Herbert) can decide. We have agreed on mattrs that has been communicated in writing,” sabi sa text ni Consunji.

Ayon kay Patoc, walang malinaw na napag-usapan sa meeting. “No substantive updates as to our demands was discussed during the meeting.”
Aniya, mistula silang niloloko ni Sid Consunji dahil ang ipinadala nitong kinatawan na si Herbert Consunji ay hindi makagawa ng sariling desisyon kaugnay ng kanilang mga reklamo at demand tungkol sa kompensasyon sa mga nasirang unit ng DMCI.