Abante Tonite Interactive

DNA: Suicide bomber sa Sulu, babae

301

Kinumpirma ng pulisya na babae ang suicide bomber sa naganap na hu­ling kaso ng suicide bombing sa Sulu.

Ito ay base sa inilabas na resulta ng DNA test sa nagkapira-pirasong katawan ng nasabing terorista na sangkot sa tangkang pagpapasabog sa isang military camp sa Brgy. Kajatian, Indanan, Sulu nitong Setyembre.

Sa press briefing kahapon sa Camp Crame, kinumpirma ni PNP Deputy Spokesperson Police Lt. Col. Kimberly Molitas, pinatunayang babae nga ang suicide bomber na siyang nagpasabog ng isang military camp sa Brgy.

Kajatian sa bayan ng Indanan, Sulu.

Una nang nagkaroon ng kalituhan ang mga awtoridad sa kasarian ng nasabing suicide bomber dahil nagkalasog-lasog ang katawan ng suspek at mistulang kamay umano ng isang lalaki ang narekober sa blast site dahil mabalahibo ito.

Gayunman, ayon kay Molitas ay wala pang konklusyon sa nationality ng nasabing suicide bomber na hinihinalang isang Egyptian terrorist.

“Results of further forensic examination by the PNP Crime Laboratory found ‘partial female DNA profile’ in 20 human tissue, and flesh and bone specimen recovered from the scene of a recent explosion at a military camp,” saad ni Molitas.

(Edwin Balasa)