Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DND, AFP ayaw kumalas sa VFA

0 65

Kung ang Department of National Defense (DND) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang tatanungin, ayaw nilang kumalas ang bansa sa Visiting Forces Agreement (VFA) sa Amerika.

“Well, we at the Defense Department and the Armed Forces, the general feeling in the Armed Forces is for the VFA to continue,” pahayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa tv interbyu nitong Huwebes.

Gayunman, aminado ang kalihim na nasa kamay pa rin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pinal na desisyon kung pananatilihin ang VFA.

Una nang inutos ng Pangulo na ibasura ang VFA noong Pebrero 2020 dahil umano sa mga hindi parehas na probisyon nito at pakikialam ng Amerika sa soberanya at kawalang respeto sa judicial system ng bansa.

Subalit sinuspidne nito ang planong pagbasura sa VFA noong nakaraang taon. (PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.