Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DND, AFP hindi kakalas kay Duterte

0 432

Mariing itinanggi ng Department of National Defense (DND) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga kumakalat na online post hinggil sa isang grupo umano ng mga retirado at aktibong opisyal ng military na binawi na ang suporta kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Naglabas ng pahayag si Defense Secretary Delfin Lorenzana nitong Linggo kung saan kinondena nito ang aniya’y iresponsableng propaganda na kinalat online.

“This is fake news! I am not, and will never be, a part of any such group — neither are the officials at the DND, many of whom are also retired military officers,” sabi ng kalihim.

Giit pa nito sa mga “destabilizer” na itigil ang kanilang mga malisyosong propaganda lalo pa ngayong panahon na dapat sana nagkakaisa lahat dahil sa mga kinakaharap na hamon ng bansa.

“You are not helping our country and people at all,” dagdag ni Lorenzana.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Una nang kumalat ang umano’y `demand’ ng tinatawag na `Viber 500’, na binubuo diumano ng mga retirado at aktibong heneral sa gabinete, maliban kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr., para magsalita si Pangulong Duterte laban sa panghihimasok ng China sa West Philippine Sea.

Samantala, itinanggi rin ni AFP chief of staff Gen. Cirilito Sobejana na mayroong Viber group na nagpapakilala na sila ay miyembro ng mga senior at junior official hinggil sa pakikidigma ng Pilipinas laban sa China.

“We advise the public to remain calm and dismiss them as another disinformation. The AFP is a professional organization committed to safeguard democracy and protect its democratic institutions,” ani Sobejana.

Siniguro pa ni Sobejana sa taumbayan na ang mga sundalo, miyembro ng Air Force, Navy at Marines ay mananatili sa chain of command. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.