Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DND arsenal sumabog, 2 tepok

0 230

Dalawa ang patay at dalawang iba pa ang sugatan sa nangyaring pagsabog sa arsenal ng Department of National Defense (DND) sa Limay, Bataan.

Sa report, kinilala ng pulis ang mga nasawi na sina Ricardo Solomon, 40, ng bayan ng Orion, at si Marlon Tatel, 38, ng Limay.

Nasugatan naman sina Macreldo Rodriguez, 57, at Allan Wisco, 36, kapwa mula sa Limay.

SM food to go Banner Ad

Sinabi ni Bataan Police Director Col. Joel Tampis na ang mga biktima ay nagha­halo ng chemical compo­nents bilang primer sa mga bala nang mangyari ang pagsabog.

Namatay agad si Tatel habang si Solomon ay naitakbo pa sa ospital pero pumanaw din habang nilalapatan ng lunas. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.