Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DND nagpatikim ng inisyal na report! C-130 na sinakyan ng 50 nasawing sundalo, depektibo

0 43

Patapos na umano ang report ng Armed Forces­ of the Philippines (AFP) kaugnay ng pagbagsak ng bagong biling C-130 plane at Blackhawk helicopter na ikinamatay ng may 50 sundalo.

Sa deliberasyon ng House Committee on Appropriations kahapon, nagtanong si House Depu­ty Minority Leader at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate kung mayroon ng ulat kaugnay ng pagbagsak ng dalawang sasakyang panghimpapawid ng AFP.

“On the crash of the Blackhawk and the C-130 the Air Force is finalizing the report and we are going to submit to the committee the result of the report,” ani Lorenzana.

Muling nagtanong si Zarate kung ano ang lumalabas sa inisyal na imbestigasyon.

“The way it was briefed to me last night Mr. Chair is that these accidents confluence of many events. One for the C-130 is defective instruments or systems plus of course the reaction of the pilot was not also appropriate for the emergency so nagka-crash,” paliwanag ni Lorenzana.

Pagpapatuloy pa ng kalihim: “For the Blackhawk ay bad weather Mr. Chair. Bad weather nakapasok sila sa clouds nagkaroon sila ng vertigo hindi nila alam kung saang direksiyon nila so that caused the crash. So hindi lang purely pilot error bit more of the system of the aircraft and weather interference Mr. Chair.” (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.