Abante Tonite Interactive

Dobleng entry sa 2019 Luzon Breeders Cup — Crisostomo

0 273

Suportado ng siguradong 140 entries ang may premyong P10M na patok na 2019 Luzon Breeders Cup (LBC) sa July 12 sa Pasay City Cockpit.

Pasiyapol ng Luzon Gamecock Breeders Association (LGBA) ito sa pakikipagtulungan ng breeders associations, cockpit owners/operators ng Luzon at Sagupaan Agricultural Products Inc.

Si Engr. Godo Beltran, na may ari ng bagong gawang GPB Mayon Cockpit sa Albay, ang nagkampeon sa 2018 LBC na humatak ng 946 entries.

“We are expecting to double the number of entries this year,” ani LGBA president Nick Crisostomo nitomng Linggo.

Ang kumpletong iskedyul sa Pasay Cockpit: July 12, 19, 22 at 26 (set A), Aug. 2, 9, 12 at 16 (set B), Aug. 19 at 23 (set C) at Aug. 26 and 30 (4-stag finals).

“The LBC is Luzon’s answer to the popular ‘early bird’ stag derbies of Mindanao, “ wakas ani Crisostomo.

Sa detalye pa, tawagan sina Erica at Ace sa 0945-4917474, 0939–4724206, 843-1746 at 816-6750.(Enjel Manato)