Abante Tonite Interactive

‘Dobol B sa News TV’ pinahaba ang oras

256

By Ronaline Avecilla

Upgraded na ang “Dobol B sa News TV,” na umeere na ngayon tuwing Lunes hanggang Linggo mula alas-6:00 ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali. Mas nakakapanabik kasi ang mga bagong line-up ng programa na iuulat ng mga pinagkakatiwalaang radio broadcasters ng bansa.

Sisimulan ang umaga ng bete­ranong anchorman na si Melo del Prado ng mga sariwang balita para sa Super Radyo DZBB na magsisimula ng alas-6:00 ng umaga.

Ang haligi naman ng GMA News na si Mike Enriquez at Joel Reyes Zobel ay maghahatid ng mga malalaking istorya at latest news updates sa “Super Balita sa Umaga Nationwide” na magsisimula ng alas-7:00 ng umaga.

Kalaunan ay magbibigay-impormasyon si Mike tungkol sa mga isyung nakalap mula sa “Saksi sa Dobol B” na magsisimula ng alas-8:00 ng umaga. Magbabalik naman si Joel ng alas-9:00 hanggang 9:30 para sa “Anong Say N’yo?”

Pagsapit ng alas-9:30 ng umaga, ang iba pang haligi ng GMA News na sina Arnold Clavio at Ali Sotto ay kikilitiin ang mga manonood at tagapakinig sa kanilang juicy blind items sa “Sino?” Pagdating naman ng alas-10:00 ng umaga, hihimay-himayin ng mag-tandem ang mga napapanahong isyu para sa “Dobol A Sa Dobol B.”

Ang ikahuling slot naman na magsisimula ng alas-11:00 ng umaga ay para sa “Kay Susan Tayo! Sa Super Radyo DZBB” na iuulat ni Suzan Enriquez.

Samantala, tuwing Sabado, mag-uulat si Melo del Prado para sa “Super Radyo Nationwide” na magsisimula pagsapit ng alas-6:00 ng umaga, na susundan naman ng “Super Balita sa Umaga” ni Sam Nielsen at Rowena Salvacion simula alas-7:00 ng umaga. Sa mga susunod na oras, mag-uulat muli si Rowena sa “Isyu Atbp” habang ang “I M Ready sa Dobol B” ng Kapuso resident meteorologist na si Nathaniel ‘Mang Tani’ Cruz ay magsisimula ng alas-9:00 ng umaga.

Samantala, ipinakikila rin ng DZBB ang well-loved health program ni Connie Sison na “Pinoy M.D. sa Super Radyo DZBB” na eere ng alas-10:00 ng umaga. Susundan naman ito ng “Super Serbisyo: Buhay, Trabaho at Negosyo” ng alas-11:00 ng umaga kasama sina Norilyn Temblor, Tootie, at Lala Roque.

Tuwing Linggo, sisimulan ni Orly Trinidad ang umaga sa “Buena Manong Balita” na magsisimula ng alas-6:00 at susundan ng “Super Balita sa Umaga” nina Sam Nielsen at Nimfa Rave­lo. Makakasama rin si Nimfa sa “Dobol B: Bantay Balita (Bantay sa Senado)” sa alas-8:00 ng umaga.

Pagsapit ng alas-9:00 ng umaga, ang mga manunuod ng GMA News TV ay masasaksihan ang “Liwanag sa Balita” ni Benjie Liwanag. Susundan ito ng “Dobol B: Bantay Balita (Bantay sa Kamara)” ni Divine Reyes.

Samantala, simula alas-11:00 ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali, magbabalik si Orly para sa “MMDA sa GMA”, sa koope­rasyon ng Metropolitan Manila Development Authority.

Ani Mike Enriquez, “We are very happy with the feedback we are getting not just from our listeners but from our viewers as well. Two years ago, we started Dobol B sa News TV as a collaboration of GMA Network’s flagship AM radio station Super Radyo DZBB and the country’s leading local news channel, GMA News TV. Fast forward to 2019, and here we are, giving our Kapuso viewers­ more programs, seven days a week. Tunay ngang tuloy-tuloy ang paghahatid namin ng Serbisyong Totoo dahil araw-araw na ninyong mapapanood ang Dobol B sa News TV at sa mas pinahabang oras pa. This is all for our loyal Kapuso viewers who made the success of Dobol B sa News TV possible.”

Panoorin ang matagumpay na pagsasama ng GMA Network’s flagship AM radio station Super Radyo DZBB 594 kHz at ng na­ngungunang local news channel sa bansa na GMA News TV via Dobol B Sa News TV tuwing Lunes hanggang Linggo mula alas-6:00 ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali.

Mapapanood din ang GMA News TV sa free TV sa Channel 27, habang ang mga manunuod sa ibang bansa ay maaaring mag-abang sa GMA News TV International.