Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Doc, anak dinampot sa smuggled gamot vs COVID

0 88

Arestado ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 2 indibiduwal dahil sa pagpupuslit ng gamot para sa COVID-19 sa Cebu City.

Kinilala ni NBI Officer-in-Charge (OIC)-Director Eric B. Distor, ang mga suspek na sina Dr. Nelson Ong at anak niyang si Raisa Nicole Ong, third year medical student.

Nabatid na nakatanggap umano ng impormasyon noong Setyembre 14, ang NBI-Central Visayas Regional Office na may shipment ng unregistered at illegally imported Tocilizumab vials mula Manila-Cebu via PAL flight alas-5:39 ng hapon. Ang Tocilizumab ay gamot para sa malalang kaso ng COVID-19.

Naka-consignee ito sa isang Raisa Ong na ang pangalan ay nasa intelligence report na isa sa aktibong distributor ng Tocilizumab at iba pang COVID-19 related medicines sa Cebu.

Inatasan ni Distor ang mga operatiba ng NBI na magtungo sa PAL Cargo arrival area sa MCIAA Complex, Lapu-lapu City para beripikahin ito.

Dumating ang mag-amang Chinese para kunin umano ang cargo.

Sinundan ang dalawa ng mga ahente ng NBI, sinita si Raisa at pinabuksan ang cold storage box.

Nakita dito ang 10 piraso ng Tocilizumab vials at 25 kahon ng Baricitinib, gamot rin sa COVID na lumalabas na inangkat sa India pero walang local importer o distributor at di aprubado ng Food and Drugs Adminjstration (FDA). Wala rin umanong maipakitang anumang dokumento ang mag-ama. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.