Abante Tonite Interactive

Doc Joel ‘di sumipot sa rape case, hukom pinag-inhibit pa

By
1,054

Hindi dumalo sa pagdinig ng korte pero nagpasok ng not guilty plea sa pamamagitan ng kanyang abogado sa kasong two counts of rape at attempted rape ang celebrity doctor na si Joel Mendez sa Mandaluyong City Regional Trial Court (RTC).

Ayon kay Mandalu­yong City Police chief Sr. Supt. Moises Villaceran, hindi sumipot si Mendez sa sala ni Judge Imelda Portes Saulog ng Mandaluyong RTC Branch 214 at ang abogado nito ang naghain ng not guilty plea para sa kanya habang dumalo naman ang dalagang nagsampa ng kaso.

Nabatid na nagsumite rin ng mosyon ang kampo ni Mendez upang mag-inhibit sa kaso si Judge Saulog.
Itinakda sa Setyembre 19 ang susunod na pagdinig sa kaso.

Naaresto si Mendez noong gabi ng Hulyo 12 matapos ang dalawang taon na pagtatago sa kasong two counts of rape at attempted rape na isinampa laban sa kanya ng 17-anyos na biktima noong 2016.

Pero nakapagpiyansa agad ito ng P360,000 para sa tatlong kaso laban sa kanya dahilan upang pansamantalang makalaya.