Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Doc na dawit sa ex-justice slay pinalulutang ng DOJ

0 383

Pinadalhan na ng subpoena ng Department of Justice (DOJ) ang nag-iisang suspek sa pamamaslang kay Retired Court of Appeals (CA) Justice Normandie Pizarro noong Oktubre 2020.

Ang Subpoena na may petsang Abril 7, 2021 ay may lagda nina Assistant State Prosecutor Michael Humarang at Prosecution Atty. Grace Arboladura.

Nabatid na ang nag iisang suspek na si Dr. Ramon Tayag Pangan, tubong San Fernando, Pampanga, ay pinasasagot sa preliminary investigation sa DOJ sa kinakaharap na murder.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nilinaw ng DOJ na dahil sa sitwasyon ngayong pandemic, inatasan si Pangan na kunin ng personal o ng kinatawan niya ang kopya ng reklamo at iba pang ebidensiya gaya ng USB flash drive na naglalaman ng larawan at video files sa Frontline Docket Section ng DOJ sa Padre Faura, Ermita, Maynila.

Binigyan si Pangan na magsumite ng kanyang counter affidavits sa loob ng 10 araw matapos matanggap ang kopya ng reklamo, at ilakip na rin ang mga supporting documents, at mga salaysay ng kanyang testigo na maaring komontra sa mga akusasyon laban sa kaniya. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.