Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Doc nagbabala vs fake news

0 231

Hinimok ng Doctors for Truth and Public Welfare (DTPW) ang publiko na makinig lamang sa mga tamang eksperto kaugnay sa nararanasang pandemya sa COVID-19 sa bansa.

“Anyone can say what they want on their own social media, but not everyone has the legitimacy to be interviewed,” ayon kay DTPW co-convenor Dr. Minguita Padilla sa forum sa National Press Club forum.

Pinayuhan ni Padilla ang publiko na iberipika muna ang background para makatiyak na ang makukuhang impormasyon ay mula sa mga professionals para di mabiktima ng mga fake news.

Sinabi pa ni Padilla dapat ay lumikha ng playbook ang bansa na gigiya sa paghawak ng misinformation at tutugon sa pamumulitika sa mga vaccines. “When you politicize health, you lose the scientific information. We must separate vaccines from politics,” ani Padilla.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Samantala sinabi naman ni dating Health Secretary at DTPW co-convenor Dr. Esperanza Cabral na kapartner nila ang media sa paglaban sa pandemya dahil mayroon itong malaking role para magampanan at makapagbigay ng “credible sources” na mailathala ang kanilang kaalaman.

“This isn’t just about being a doctor. We need to weigh how many doctors have studied this issue and found that vaccines are safe and effective, versus the few who have opinions that haven’t been published in credible studies,” dagdag pa ni Cabral.

Naniniwala si Cabral na ang bakuna ang solusyon para malabanan aniya ang pandemya at malaki ang maitutulong ng media para makasagip ang mga buhay. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.