Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Doc nireklamo ng namatayang ina

0 48

Dumulog sa pulisya ang isang mag-asawa upang ireklamo ang doktor at isang empleyado ng isang pribadong ospital sa Quezon City matapos mamatay ang kanilang si­yam na buwang gulang na anak na lalaki dahil sa umano’y kapabayaan ng mga ito.

Kinilala ang biktima na si Char­lie II Alvaro De Luna, 9-buwang gulang, at residente ng Narciso St., Capitol Park Homes II, Brgy. 179, Caloocan City.

Samantala, ang inirereklamo ay nakilalang sina Sharmy Arcilla, M.D., attending physician, at isang Eduardo Noveloso, kapwa nagta­trabaho sa San Lorenzo Hospital na matatagpuan sa Brgy. Pasong Putik, Novaliches.

Sa ulat ng CIDU-QCPD, ban­dang alas-3:00, Setyembre 2 ng hapon, dinala umano ng mga magulang ang anak sa ospital para sa complete blood count (CBC) examination.

Batay sa imbestigasyon ni P/SSg. Manuel Calampiano ng QCPD PS-16, matapos lumabas ang re­sulta ay ipina-confine umano ang sanggol sa nasabing ospital sa payo ng pediatrician na si Dr. Deosdado Viceral.

SM food to go Banner Ad

Nakasaad sa reklamo ng mag-asawa na may naobserbahan uma­no silang kapayabaan ng mga doktor na tumitingin kay De Luna. At nitong Setyembre 4, bandang alas-10:25 ng umaga ay binawian na ng buhay ang sanggol.

Naniniwala ang mga magu­lang na namatay ang baby dahil sa kapabayaan ng mga doktor ng nasabing ospital.

Mas lalo pa umanong dinagda­gan ng San Lorenzo ang nararam­damang sakit ng mga magulang ng namatay na sanggol nang papir­mahin pa sila ng death certificate na nagsasaad na ang ikimatay ng bata ay COVID-19 na umano’y wala namang katotohanan.

Pursigido umano ang mag-asawa na kasuhan ng reckless imprudence resulting to homicide (medical malpractice) ang dalawa. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.