Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Doc, nurse sa San Juan nadale ng virus

0 261

Dalawang medical frontliner sa San Juan Medical Center ang iniulat na nahawa umano sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) kaya agad na inutos ni Mayor Francis Zamora na pansamantalang isara ang departamento kung saan naka-assign ang mga ito sa nasabing ospital.

Ayon kay Zamora, nahawa ang doktor at nurse sa isang pasyenteng may COVID-19 na ginagamot sa nasabing ospital kaya agad na isinailalim sa swab test lahat ng nakasalamuha ng dalawang medical frontliner na naka-assign sa OB at pediatric ward.

Tiniyak pa ng alkalde na magbubukas sa Sabado, Hulyo 11, ang OB at pediatric ward ng San Juan Medical Center pagkatapos ma-disinfect. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.