Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Doc, OFW, 2 pa inararo sa White Plains

0 51

Nagtamo ng mga pasa at sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang apat na jogger nang araruhin ng Honda sa White Plains Avenue, Quezon City, nitong Linggo ng umaga.

Ang mga biktima ay sina Baluyao Lobado Angela, 35, call center agent; Ong Lee Michael, 47, optometrist; Blancia Puyong Edelyn, 36, OFW at Dealagdon Ocelia Alfredo, jobless, pawang taga-Mandaluyong City.

Kinilala naman ang suspek na si Patrick Anthony Ang, 24, student, ng Green Meadows Subd., Brgy., Ugong Norte, Quezon City.

Sa report ng Quezon City Police District (QCPD) Traffic Sector 3, alas-5:15 ng umaga (May 8) nang maganap ang aksidente sa White Plains Ave. Eastbound lagpas ng Camp Aguinaldo Gate 5.

Sa imbestigasyon ni PSMS Jose R Soriano, ng Traffic Sector 3, nagdya-jogging ang mga biktima pa-Temple Drive East habang ang suspek na sakay ng Honda Mobilio [NCZ-1982] ay galing EDSA papuntang Green Meadows Gate-1.

Pagsapit sa Brgy., Ugong Norte, biglang sinalpok ng minamanehong sasakyan ng suspek ang mga biktima dahilan upang tumilapon ang mga ito sa bangketa.

Agad ang mga itong isinugod sa Quirino Memorial Medical Hospital at Saint Luke’s Hospital.

Nakapiit na ang suspek habang inihahanda ang kaukulang kaso. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.