Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Doctor board exam sa NCR kinansela

0 49

Kinansela muna ng Professional Regulation Commission (PRC) ang Physician Licensure Exa­mination (PLE) sa National Capital Region (NCR) na nakatakda sanang isagawa ngayong buwan.

Sinabi ng PRC, hindi muna matutuloy ang PLE na idaraos sana sa Setyembre 11, 12, 18, at 19 sa NCR dahil na rin sa umiiral pang modified enhanced community quarantine (MECQ) sa NCR hanggang Setyembre 15.

“Affected examinees in NCR may take the next succeeding examination without forfeiture of their examination fees,” saad ng PRC sa Facebook.

Nabatid na tuloy naman ang pagsusulit sa mga nasabing petsa rin sa Baguio, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Legaspi, Lucena, Tacloban, Tuguegarao at Zamboanga.

Humingi naman ng pang-unawa at kooperas­yon sa publiko ang PRC dahil sumusunod lang umano sila sa itinakdang guidelines ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emer­ging Infectious Diseases. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.