Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DOE busisiin joint oil exploration sa China – Hontiveros

0 131

Hinikayat ni Senadora Risa Hontiveros ang Department of Energy (DOE) na payuhan ang mga Pinoy service contractor laban sa pagpasok sa joint venture agreement sa Chinese-owned na mga kompanya sa kanilang oil at gas exploration sa West Philippine Sea.

Ayon kay Hontiveros, hangga’t hindi umano kinikilala ng China ang panalo ng Pilipinas sa Exclusive Economic Zone sa WPS, hindi dapat magkaroon ng joint venture sa China. Gayunman, aminado ang senadora na ikalalakas ng ekomoniya ang yaman mula sa WPS, kaya naman panawagan niya maging sa mga Pilipinong kompanya, na pinayagan nang mag-explore dito, na protektahan ang soberanya.

SM food to go Banner Ad

Matatandaan na mula nang alisin ni Pangulong Duterte ang moratorium sa oil exploration sa pinagaagawang teritoryo, pumasok na ang kompanyang Pinoy na PXP Energy sa joint venture sa China National Offshore Oil Corporation, isa sa pinakamalaking kompanya ng langis sa China. Pero ayon kay Hontiveros, dapat hindi makalimutan ang insidente noong 2011 na hinaras umano ng mga patrol boat ng China sa Recto Bank ang survey ship ng PXP Energy.

“Kaya ko din hinihingi sa DOE o sa Senate Committee on Energy ang memorandum of understanding (MOU) natin with China. Dapat mabusisi ito at baka tayo pala ang dehado,” sambit pa nito.

Binigyang-diin pa nito na dapat angkinin ng bansa ang yaman ng gas at oil sa Recto bank na tinatayang may nakaimbak na natural gas na nagkakahalaga ng $19.9 bilyon at $2.1 bilyon naman na langis. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.