Abante Tonite Interactive

DOE Circular sa power supply bidding, ibalik

166

Pinababawi ni Bayan Muna ­Representative Carlos Isagani ­Zarate ang Department of Energy (DOE) Circular kung saan ay ­inaalis ang ­‘independent third party’ na ­naatasang mangasiwa sa ‘­transparent power ­supply bidding.’

“The elimination of this independent third party has provided distribution uti­lities (DUs), like Meralco, the illegal opportunity to self-deal with their own power generation companies to the de­triment of the public.,” ani Zarate.

Aniya, noon pang Agosto 15, 2019 ay nagpadala na sila ng liham sa DOE na humihiling na bawiin ang Circular No. (DC) 2018-02-003 su­balit halos limang buwan na ang lumipas ay hindi pa anila ito natutugunan ang ipinangako ni Energy Secretary Alfonso Cusi.

“Had DOE repealed DOE ­Circular 2018-02-003, then we would not have encountered this problem with the Meralco bidding. While we continue to call for the repeal of EPIRA, we cannot allow consumers to suffer from high electricity rates because of self-serving terms of references and bidding process,” giit pa ng Bayan Muna Representative.

Samantala, muling hiniling nina Zarate at Bayan Muna Chairman Neri Colmenares ang ­pagsasagawa ng ‘independent bidding’ ng ­Meralco’s supply contracts upang hindi magdusa ang mga konsyumer sa mataas na bayarin sa kuryente.