Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DOE inalerto mga imbakan ng COVID vaccine

0 223

Inabisuhan ng Department of Energy (DOE) lahat ng mga lugar na nag-iimbak ng COVID-19 vaccine na kumuha ng hanggang pangatlong back-up na supply ng kuryente kasunod na rin ng naranasang brownout sa ilang lugar sa Luzon nitong Lunes.

Sabi ni Energy Undersecretary Felix William Fuentebella kahapon, may direktiba ang DOE na kailangang may triple back-up ang mga storage facility ng mga bakuna.

Nagdeklara ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ng yellow at red alert sa Luzon kahapon dahil sa manipis ang reserbang kuryente.

Maselan ang mga COVID-19 vaccine at kailangang nakaimbak sa malalamig na lugar para hindi mapaso. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.