Abante Tonite Interactive

DOE laban-bawi sa prangkisa ng 17 electric coop

288

Nagpahayag ng kasiyahan ang National Electrification Administration (NEA) sa desisyon ng Department of Energy (DOE) sa may 17 electric coope­rative na sumasailalim sa regular performance assessment.

“Consistent with its mandate under Republic Act 10531 (bagong NEA Law) the agency will be moving forward, conduct a thorough performance review of the (electric cooperative) involved – a task regularly performed by the NEA based on set parameters or key performance standards – and submit the results of the same to the DOE and House of Representatives for their appreciation and evaluation,” ayon sa NEA.

Nalaman na pinanga­ngasiwaan ng NEA ang may 121 electric cooperative sa bansa at nagsasagawa ng taunang assessment.

Sa memorandum na may petsang Enero 11, 2019 kay House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo, inirekomenda ni DOE Secretary Alfonso Cusi na kanselahin na ang prangkisa ng 17 kooperatiba dahil sa hindi maayos na operasyon.

Kabilang sa 17 utilities ang mga cooperative ng Abra (Abreco), Pampanga 3 (Pelco III), Occidental Mindoro (Omeco), Oriental Mindoro (Ormeco), Palawan (Paleco), Camarines Sur 3 (Casureco III), Albay (Aleco), Masbate (Maselco), First Catanduanes (Ficelco), Ticao Island (Tiselco), Zamboanga City (Zamcelco), Davao del Norte (Daneco), Basilan (Baselco), Sulu (Suleco), Tawi-Tawi (Tawelco), Maguidanao (Magelco) at Lanao del Sur (Lasureco).

Gayunman, nang umal­ma ang Philippine Rural Electric Cooperative Association (Philreca) sa naturang memo ay binawi nina Energy Undersecretary Felix William Fuentabella at Cusi ang kanilang rekomendasyon noong Enero 29.