Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DOE sinaway sa pagsulong ng ‘dirty energy’

0 105

Malaking palaisipan sa grupo ng Center for Energy, Ecology, and Development (CEED) kung bakit sa kabila ng pagkakaroon ng dagdag na ‘six centavo’ sa national average power rate noong Disyembre 2019, na inireport ng Department of Energy (DOE), ay mas pinaigting pa nito ang pagkalinga o dependensya sa napakamahal at mapanganib sa kalusugan, maging sa kalikasan ng maruming enerhiya na mula sa ‘coal’ o karbon.

“The six-centavo increase in the country’s national average power rate as of December last year, as reported by the Department of Energy, is another question posed as to why DOE is still intent on maintaining and even intensifying our dependence on costly and unreliable electricity from coal for our power needs,” ayon kay Arances.

Aniya, ang pagkakakroon ng power crisis noong 2019 ay naging madalas at sa katunayan ay laging napapaulat ang red at yellow alerts dahil sa mga nangyayaring ‘shutdowns’ ng mga ‘coal-fired power plants’.

SM food to go Banner Ad

“The power crisis of 2019, where many of the over sixty instances of red and yellow alerts were recorded during the summer months largely due to unexpected shutdowns of coal-fired power plants, caused price fluctuations that sent electricity rates soaring,” base sa statement.

Ayon pa sa pahayag, kumpara sa 30 porsyentong pagbawas sa electricity charges kung ang renewable energy ang siyang primary source ng enerhiya, ayon sa Institute for Energy Economics and Financial Analysis (IEEFA).

Maging aniya ang pinakamalaking distribution utility sa bansa, ang Meralco ay sinasabing nagbigay umano ng ‘price reductions’ nitong ‘pre-quarantine months’ bilang karagdagan sa nababagong pasilidad sa halo nito.

“There is no reason why we should continue relying on coal when we have an abundant supply of cheap and clean energy from renewable sources just waiting to be tapped.” dagdag pa sa statement ng CEED. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.