Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DOF binasbasan pagbaha ng imported pork

0 145

Sinabihan ng Department of Finance (DOF) ang Department of Agriculture (DA) na payagan pa ang pagpasok ng mga imported pork sa bansa sa mas mababang taripa hanggang sa Disyembre 2022 at palawagin ang Executive Order No. 133 kahit pa tutol dito ang mga magbababoy at kulang ang koleksyon sa buwis ng pamahalaan.

Sinisisi ng DOF ang bilis ng pagmahal ng presyo ng karne o ang meat inflation kung bakit lumagpas sa inflation target ang pamahalaan noong 2021 kahit pa nagmahal din ang presyo ng gasolina, kuryente, pamasahe, at iba pa.

Utos ng tanggapan ni Finance Secretary Carlos Dominguez III sa DA na pinamumunuan ni Secretary William Dar, palawagin ang validity ng EO 133 na nagbaba sa taripa ng mga imported pork na papasok sa ilalim ng minimum access volume na 254,010 tonelada at gumawa ng paraan para mas marami ang magpasok ng baboy sa ilalim ng MAV.

SM food to go Banner Ad

Sabi pa ng DOF sa DA, dapat siguruhin nitong regular ang paglabas at pagdating ng stock ng mga baboy na nasa cold storage.

Tinututulan ng mga magbaboy pati na ng sektor ng agrikultura ang EO 133. Bukod kasi sa lalo lang manganganib ang natitira pang mga baboy sa bansa, humina rin ang demand dito dahil sa mahal at dahil din mas kaunti na ang pera ng mga tao.

Walang kaso ng African Swine Fever (ASF) sa bansa bago mag-2019 at imported pork lamang umano ang pinagmulan ng pagkalat ng sakit dito sa Pilipinas. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.