Abante Tonite Interactive

DOF hands-off sa P37B pinag-aagawang lupa ng GSIS, PPA

0 225

Ayaw makialam ng Department of Finance (DOF) ang isyu kaugnay ng P37 bilyong lupain na pinag-aagawan ng Government Service Insurance System (GSIS) at Philippine Port Authority (PPA) sa pantalan ng Maynila.

Plano ng GSIS na ibenta ang 78 ektaryang lupain sa Manila North Harbor kasama ang 67 ektaryang lupa na inookupa ng International Container Terminal Services Inc (ICTSI) na umaabot ang halaga sa P37 bilyon.

“I think it’s a matter for DOTr (Department of Transportation), not us,” ayon kay DOF Undersecretary Antonette Tionko nang kapanayamin ng mga mamamahayag sa joint meeting ng Management Association of the Philippines (MAP) at Financial Executives Institute of the Philippines (FINEX) sa Taguig City kahapon.

Abante Hiring – IT dep

Nadawit sa isyu ang DOF dahil ang GSIS ay isang government-owned and controlled corporation (GOCC). Gayunman, sinabi ni Tionko na kailangan na ang DOTr na pinamumunuan ni Secretary Art Tugade ang humawak sa isyu dahil ang paggamit ng ICTSI sa nasabing port area property ay sa bisa ng isang kasunduan sa PPA.

Si GSIS President and General Manager Jesus Clint Aranas ay naalis sa Bureau of Internal Revenue (BIR) noong kalagitaan ng 2017 makaraang ang sigalot kay BIR Commissioner Caesar Dulay.

Hindi umano nagustuhan ni Dulay na dating dormmate ni Pangulong Rodrigo Duterte ang inisyatiba ni Aranas, na treasurer ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan na imbestigahan ang tax liabilities ng Del Monte Philippines Inc. nang walang abiso sa kanya.

Sa nakaraang briefing noong Martes, nagpadala ng mga sulat ang GSIS sa PPA kaugnay ng pag-aari nilang lupain at kolektahin ang kaukulang bayad sa paggamit ng ICTSI sa nasabing lupa.

Wala pa umanong sagot ang PPA hinggil dito.

Bunsod nito, plano nang ibenta ng GSIS ang lupain ngayong taon lalo na’t tumaas ang value nito base sa ipinalabas na updated zonal valua­tion ng DOF. (PNA)