Abante Tonite Interactive

DOF nakahanap nang pagkukuhanan ng P600B

769

Natukoy na ng Department of Finance (DOF) ang mapagkukunan ng P600 bilyon para matugunan ang problemang dulot ng pananalansa ng COVID-19 sa bansa matapos aminin ni Pangulong Rodrigo Duterte na malapit nang mabangkarote ang gobyerno.

Ayon kay Finance Assistant Secretary Tony Lambino, nasa malakas na posisyon ang Pilipinas bago tamaan ng COVID19 ngunit may hangganan ang pondo ng pamahalaan.

Sabi ni Lambino, nakikipag-negotiate na ang bansa sa World Bank at Asian Development Bank para sa P50 hanggang P100 bilyong utang na inaasahang dumating sa katapusan ng buwan.

Mayroon ding pautang na P300 bilyon na manggagaling sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Naunang nagpahayag nang paniniwala i Albay Rep. Edcel Lagman na ang P300 bilyon na galing sa BSP ay sapat para matustusan ang desisyon ng Malacanang na palawigin ang ECQ hanggang katapusan ng Abril .

“When President Rodrigo Duterte in one of his telecasts said that ‘may pera ako’ to address the pandemic, he must have been referring to the P300-billion from BSP, among other funding sources,” sabi ni Lagman.

Bukod sa utang na aabot ng P400 bilyon, may pera pa na makukuha sa tinatawag na unobligated funds at mga pondong galing sa mga government owned and controlled corporations (GOCCs).

Sabi ni Lambino, naibigay na sa Department of Social Work and Development (DSWD) ang P100 bilyon na paunang pondo para sa tulong sa pinakamahihirap na 18 milyong pamilya sa bansa at may P100 bilyon pang parating.

May mapagkukuhanan ng pondo pero kailangang maging maingat pagdating sa mga utang dahil kailangang bayaran pa rin ang mga ito

Tonite – Wendys Inhouse Ad