Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DOF pinaglaban troll farm operator PR

0 101

Iginiit ng Department of Finance na ligal at above board o walang iregularidad ang pagkokontrata nito kay Nicanor Gabunada Jr. bilang communications strategist ng kagawaran sa halagang halos P1 milyon sa loob ng anim na buwan.

Si Gabunada ay konektado sa 200 Facebook pages na tinanggal ng Facebook dahil sa pagpapakalat ng fake news nung 2019 at ang tinuturing na nagpatakbo ng matagumpay na social media campaign ni Pangulong Rordrigo Duterte nang tumakbo siya sa halalan nung 2016.

Sa isang pahayag kahapon, sinabi ni DOF undersecretary Gil Beltran na kinuha ng kagawaran si Gabunada para gumawa ng communications strategy at hindi kasama sa kanyang kontrata ang pag-set up ng social media platforms.

Inilabas ng DoF ang BAC Resolution No. 048-2021 ng pinirmahan ni Beltran bilang chairman ng Bids and Awards Committee nung May 24, 2021 na nagrerekomendang kuhanin si Gabunada bilang communications strategist ng kagawaran na pasweseldohin ng P151,520.40 kada buwan mula June 16, 2021 hanggang December 15, 2021.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pinadala ng DoF ang Notice of Award kay Gabunada nung June 10, 2021 kung saan sinabing siya na ang kinontrata bilang communications strategist/consultant ng DOF na babayaran ng P909,122.40.

Pinirmahan ni Gabunada ang Notice of Award ng DoF na nagsasabing tinatanggap na nya ito.

Ang pumirma ng notice of award sa DOF ay sina DOF Undersecretary Bayani H. Agabin at Undersecretary Mark Dennis Y.C. Joven.

Sa rekomendasyon ng DOF Bids and Awards Committee nung May 24, sinabi nitong mahigpit ang pangangailangan nito para sa serbisyo ng communications strategist para sa pagpasa ng mga sinusulong nitong mga bagong buwis. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.