Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DOFIL ihahabol sa SONA ni Duterte

0 217

Sisikapin ng Senado na maipasa ang panukalang batas kaugnay sa pagtatayo ng Department of Overseas Filipinos o DOFIL para maihabol ito sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Senate President Vicente `Tito’ Sotto III, sa nakikita niya ay kayang maaprubahan ang panukala sa DOFIL bago mag-adjourn ang Kongreso.

“Sa kanya [Pangulong Duterte] iyon sa SONA kaya ano namin, pinipilit naman naming kasi pinapakiusap naman niya. Wala namang masama doon sa pinakikiusap niya, hindi ba,” sabi ni Sotto sa isang panayam sa radyo nitong Sabado.

Pabor si Sotto na magkaroon ng DOFIL para isang kagawaran na lamang ang tutugon sa mga isyung may kinalaman sa mga overseas Filipino worker.

“Imbes na sabog-sabog ang mga tumatalakay ng mga migrant workers and overseas Filipinos, eh magiging isang departamento,” ani Sotto.

Nais lamang ni Sotto na mag-isyu ng panibagong sertipikasyon ang Malacañang para mapabilis ang pag-apruba ng Kongreso sa panukalang batas para sa DOFIL.

Leave A Reply

Your email address will not be published.