Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DOH: 23K gumaling sa coronavirus

0 72

Mahigit 23,000 na pasyenteng dinapuan ng COVID-19 ang nakarekober mula sa naturang sakit, base sa ulat ng Department of Health (DOH) alas-kuwatro ng hapon nitong Linggo, Setyembre 6.

Ayon sa DOH COVID-19 Case Bulletin No. 176, nasa 23,074 ang nakarekober sa COVID-19 kung kaya’t umabot na sa 184,687 ang kabuuang bilang ng mga gumalit sa virus.

Subalit nadagdagan naman ng 2,839 bagong kaso ng COVID-19 dahilan para umakyat sa 237,365 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan nito sa Pilipinas.

Samantala, sinabi ng DOH na may 19 na laboratoryo ang nabigong makapagsumite sa COVID-19 Data Repository System (CDRS).

Ayon sa DOH, sa kasalukuyan ay nasa 48,803 na lamang ang itinuturing nilang active cases ng COVID-19 sa Pilipinas, at 88.6% sa mga ito ay mild cases lamang, 8.0% ang asymptomatic o walang sintomas ng sakit, 1.4% ang severe at 2.0% naman ang kritikal.

Nabatid pa na sa mga bagong kaso ay 1,170 ang naitala sa National Capital Region (NCR), sa Negros Occidental, 195; Laguna, 190; Cavite, 182; at Rizal, 154.

Nakapagtala rin ang DOH ng 85 bagong nasawi kaya umakya’t na ang death toll ng COVID-19 sa 3,875.

Sa naturang bilang, 29 ang binawian ng buhay ngayong Setyembre; 33 noong Agosto; anim noong Hulyo; tatlo noong Hunyo; pito noong Abril at isa noong Marso.(Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.