Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DOH: 7K COVID case pinakamababa mula August

0 38

Pinakamababa mula buwan ng Agosto ang naitala na 7,181 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa kahapon, ayon sa Department of Health (DOH).

Sa DOH COVID-19 Case Bulletin No. 578 nitong Miyerkoles, October 13, nakapagtala rin ng 6,889 bagong gumaling at 173 ang nasawi.

Umabot na sa 2,690,455 ang kabuuang bilang ng mga dinapuan ng coronavirus sa buong bansa.

Mula sa naturang bilang, 3.1% (82,411) ang aktibong kaso, 95.4% (2,567,975) na ang gumaling at 1.49% (40,069) ang namatay.

May 98 duplicate case ang tinanggal sa kabuuang bilang at 61 ang nakarekober.

Samantala, 101 kaso na unang sinabi na nakarekober ang nakalamn na nasawi pala matapos ang final validation.

Ayon sa DOH, lahat ng laboratory ay operational noong Oktubre 11 subalit dalawa ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).(Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.