Abante Tonite Interactive

DOH: 96 na patay sa virus, 8 senior nadagdag

542

Umakyat na sa 96 katao ang nasawi dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) at walo sa nadagdag sa listahan ay mga senior citizen, ayon sa pinakahuling bulletin ng Department of Health (DOH) alas-kuwatro ng hapon nitong Miyerkoles.

Sa Bulletin No. 18 na inilabas ng DOH, umabot na sa kabuuang 2,311 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa makaraang madagdagan ng 227 panibagong kaso hanggang alas-kuwatro kahapon ng hapon,

Nadagdagan naman ng isang pasyente ang nakarekober sa virus kaya nasa 50 katao na ang gumaling sa COVID-19.

Panawagan muli muli ni Heath Undersecretary Ma. Rosario Vergeire sa kanyang press briefing kahapon na manatili ang mamamaan sa kanilang mga tahanan upang hindi dapuan ng karamdaman, at magpatupad ng social distancing at regular na maghugas ng kamay. (Juliet de Loza-Cudia)

Tonite – Wendys Inhouse Ad