Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DOH ayaw ng diskriminasyon sa bagong COVID-19 variant

0 178

Ipinahayag ng Department of Health (DOH) na ayaw nilang magkaroon ng diskriminasyon sa pagpapangalan ng COVID-19 variant batay sa bansa kung saan una itong na-detect.

Sinabi ito ng isang opisyal ng DOH matapos kumpirmahin ang pagkakaroon ng bagong COVID-19 variant sa Pilipinas na tinawag ng kagawaran na P.3 variant.

Ang P.3 variant ay na-detect sa isang lalaking galing sa Pilipinas na nagtungo sa Japan.

“Ayaw na natin `yong practice na ginagamit `yong pangalan ng isang lugar to assign the name of the virus or the variant kasi nga nakaka-cause ng discrimination dun sa mga nanggagaling sa bansang `yong,” paliwanag ni Dr. Anna Ong-Lim sa Laging Handa public briefing nitong Sabado.

Si Dr. Lim ay mula sa DOH Technical Working Group on COVID-19 variants.

Ayon sa DOH, sa ngayon ay mayroong 98 kaso sa Pilipinas ng P.3 variant kung saan 85 sa mga ito ang itinuring noong una bilang “mutations of possible clinical significance”.

“I’d like to establish na we call this as the P.3 variant. We want to do away with referring to it as the Philippine variant kasi nga hindi acceptable practice na we assign place names,” ayon kay Dr. Lim.

Nilinaw din nito na wala pang sapat na datos sa ngayon para sabihing mas nakahahawa ang P.3 variant.

Leave A Reply

Your email address will not be published.