Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DOH: Bakuna ‘di nagdulot ng stroke sa tinurukan

0 408

Giniit ng Department of Health (DOH) na hindi ang COVID-19 vaccine ang sanhi ng pagka-stroke ng 54-anyos na lalaki sa Caloocan City na tinurukan nito.

Nitong Abril 8, kumalat sa social media ang post ni Nicole Omandog Totanis hinggil sa nangyari sa kanyang ama na tinurukan umano ng Sinovac vaccine, at nakaranas ng hirap sa paghinga, pagkahilo, pagsusuka, at sakit ng ulo hanggang makumpirma na na-stroke.

Sa pagsusuri ng Regional Adverse Events Following Immunization Committee (RAEFIC), natuklasan pa na “the adverse event is inconsistent with the causal association to the vaccine, and the adverse event is coincidental to underlying or emerging conditions of the patient,” ayon sa DOH.

Paalala ng DOH, sabihin sa screening ang lahat ng medical condition bago magpaturok ng bakuna.

Sabi pa ahensya, “The DOH and FDA strongly emphasize that vaccines are SAFE and EFFECTIVE in affording protection against COVID-19 and in preventing the severe form of COVID-19.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.