Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DOH binabala bagong COVID outbreak sa Europe

0 129

Nagpaalala si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III sa mga Pilipino na huwag maging kampante sa unti-unting pagbaba ng mga naitatalang kaso ng COVID-19 infection sa bansa.

Paliwanag ni Duque, sa kabila ng pagbaba sa mga bagong kaso ng COVID ay nananatili ang banta ng pagsirit nito katulad na lamang sa Europe na nagkukumahog na naman aniya para makontrol ang ikalawang outbreak virus.

Umaasa si Duque na hindi sasapitin ng Pilipinas ang ikalawang outbreak ng COVID sa Europe.

“This downward trend is certainly a welcome development. But cases may again rise if we are not careful. We hope that we won’t suffer the same fate [as Europe],” sabi pa ni Duque.

Dagdag pa nito, huwag sayangin ang mga naging tagumpay natin para pigilan ang paglaganap ng COVID sa bansa kaya dapat maging alerto pa rin lahat. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.