Abante Tonite Interactive

DOH-Calabarzon naka-full alert

0 212

Nasa full alert ngayon ang lahat ng government health facilities ng Department of Health-Cala­barzon kasunod ng pagsabog ng Bulkang Taal.

Ayon kay Regional Director Eduardo C. Janairo, lahat ng health facilities ay nakahandang magkaloob ng serbisyong medikal sa magi­ging epekto ng pagsabog ng bulkan gaya ng traumatic injuries, burns, suffocation, skin diseases, eye injuries, respiratory problems, at conjunctivitis.

Lahat umano ng mga emergency personnel, provincial health team lea­der kasama na ang mental health team ay ikinalat na sa iba’t ibang lugar sa Batangas.

Pinaalalahanan din ni Janairo ang mga residente na may emphysema o asthma, bronchitis na nalantad sa ashfall at hinikayat na magpakonsulta kaagad para maiwasan ang kumplikasyon.

Sinabi ng opisyal, ang volcanic ashfall ay isa sa mga major health ha­zard at ang mga taong na-expose ay maaaring dumanas ng iritasyon sa mata, ilong at lalamunan na maaring maging dahilan ng mahirap na paghinga, ubo, bronchitis-like illness at problema sa balat.

Pinayuhan ni Janairo ang mga residente na manatili sa loob ng bahay at isara ang bintana at pintuan para hindi makapasok ang volcanic ash.

“For those in evacuaton centers, follow orders and await for further instructions. Huwag na huwag po kayong aalis hanggang walang sinasabi ang mga local na opiyal. Bantayan din natin ang mga bata at baka lumabas center at panoorin ang mga nangyayari sa laba ng center.”

“Napakaimportante na makinig sa radyo upang maging up-to-date sa balita. Huwag na rin pong lumabas ng bahay kung kinakailangan naman be sure to wear protective mask and eye goggles or shades as protection from eye irritation,” ayon kay Janairo. (Juliet de Loza-Cudia)