Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DOH: Caloocan nanguna sa maraming kaso ng COVID

0 113

Sa Caloocan City nakapagtala ng pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa buong bansa base sa datos na napasakamay ng Department of Health (DOH) hanggang alas-kuwatro ng hapon nitong Huwebes, Nobyembre 26.

Sa inilabas ng DOH COVID-19 Case Bulletin No. 257, nakapagtala ng 77 bagong kaso sa Caloocan City na sinundan ng Cavite at Laguna na may tig-73 habang 62 ang naitala sa Davao City at 60 sa Quezon province.

Sa kabuoan ay nakapagtala ang DOH ng 1,392 bagong kaso kaya nasa 424,297 na ang total cases ng dinapuan ng COVID sa bansa.

May 328 naman ang nakarekober kaya nasa 387,266 na ang kabuuang gumaling sa sakit habang may 28,789 ang aktibong kaso.

Nadagdagan naman ng 27 ang bilang ng nasawi kaya nasa 8,242 na lahat ang namatay sa COVID-19 pandemya sa bansa. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.